F
fidelity
Well-known member
Normal LEVEL(Registerd)
Pagpili: Susi sa Panalo Ang susi sa panalo na pagsasabong ay ang wastong pagpili. Batayan sa pagpili: Unahin mga nakikitang katangian. Ang mga nakikitang katangian ay ang bloodline o linyada; pagpapalaki; at ganda ng pisikal na anyo.Unahin ang mga nakikitang katangian upang hindi na ma-iiba ang mga ito hanggang sa araw ng laban, samantalang ang kagalingan sa pakikipaglaban ay paibaiba,depende sa galing ng kalaban o sa kundisyon ng ating manok pang sabong. Kagalingan sa Pakikipaglaban Ang kagalingan sa bitaw ay mahalaga rin.Kaya sa ating pagpili batay sa kagalingan sa pakikipaglaban tatlo ang ating pamantayan.Tapang pag-kitil,Gilas,Liksi,Tapang pag kitil .Dapat ang mga manok ay handang pumatay ng kalaban kaya ang pinakamahalagang katangian ng manok pang sabong sa pakikipaglaban ay ang kakayahan nitong pumatay.