Ang pagsusugal ay hindi magandang alternatibo para kumita ng dagdag na pera. Ang bawat larong nilalaro mo sa isang casino ay may istatistikal na posibilidad na hindi ka manalo. Ang mga logro ng slot machine ay ilan sa pinakamasama, mula sa one-in-5,000 hanggang one-in-about-34-million chance na manalo ng pinakamataas na premyo kapag ginagamit ang maximum coin play.
Totoo, kaibigan. Maaari ngang pagsasayang lang ng pera ang paglalaro ng slots game. Lalo na kung ito lang ang pinagkakaabalahan mo para kumita ng salapi.
Sa katunayan, dapat ngang gawin lamang natin na "pastime" ang mga ito dahil gaya nga ng sabi mo...
Napakababa ng odds of winning sa ganitong laro.
2 years na akong naglalaro mapa slots man o sportsbook. At 3 beses palang ako naka jackpot.
Buti nalang may ibang source of income ako. Dahil kung wala, talagang matagal na akong nanlumo sa aking nagastos sa mga larong ito.
Gamble responsively mga kaibigan.