Welcome to Bet Gamer Forum!

San nag mula ang Sabong?

M

messiah03

Member
Sumali
Jun 4, 2022
Mga mensahe
211
Mga puntos
18
Ang sabong[1][2] ay isang uri ng madugong paglalaban o "madugong palaro" sa pagitan ng dalawang tandang na pansabong, na isinasagawa sa loob ng isang bilog na pook pangtunggalian o sabungan, na tinagurian ding simburyo. Natatangi ang pagpapalaki, pangangalaga, at pagsasanay na ginagawa para sa mga manok na pansabong upang magkaroon ito ng sapat o higit pang resistensiya at lakas sa oras ng sagupaan. Karaniwang ginugupit ang mga palong ng mga lalaking manok na inihahanda sa pagsasabong. Mayroong likas na galit ang mga tandang laban sa kapwa tandang. Katulad ng mga atleta o mga tao na manlalarong pampalakasan, kinukundisyon din ang mga manok na panlaban, bago maganap ang labanan. Mayroong mga samahan ng mga aktibistang may malasakit sa mga hayop ang laban sa pagkakaroon ng mga sabong sapagkat madugo ito at dahil sa pagkakabugbog na tinatanggap ng katawan ng mga ibong nabanggit. Sa Pilipinas, itinuturing itong isang "pambansang palaro" o palabas, mayroong mga ayon sa batas at mayroon ding mga ilegal, at kinasasangkutan ng mga pustahan at pagsusugal. Sapagkat pinuputol o pinupulpol ang mga likas na tahid ng mga tandang na panabong, kinakabitan ng mga metal na tahid na may mga talim ang mga paa ng manok na ilalaban. Ginagamit lamang ang guwantes na panabong para sa pagsasanay ng mga tandang. May dalawang uri ng mga talim na ginagamit sa pagsasabong, yaong may isahang talim at yung may dalawahang talim. Ikinakabit ang mga talim sa kaliwang binti ng manok, subalit sang-ayon din ito sa kasunduan ng mga may-ari ng mga manok. Maaari ring ilagay ang mga talim sa kanang binti o maging sa dalawang binti ng paa ng mga manok. Tinatawag na tupada ang ilegal na sabong. Kapwa may tagapamagitan ang mga ito, ang tinatawag na sentensyador, na may pagpapasyang hindi mababali o hindi mababago ninuman.[3] Tinatawag na magsasabong o sabungero ang taong mahilig sa sabong
 

Similar threads

J
Replies
0
Views
23
joshjd93
J
M
Replies
0
Views
24
messiah03
M
M
Replies
0
Views
21
messiah03
M
M
Replies
0
Views
43
messiah03
M

Ang aming misyon

Trust is what it is all about. Ang aming misyon sa Bet Gamer Forum ay magbigay ng matibay na impormasyon; impormasyon na nagbibigay-daan sa mga manlalaro na gumawa ng matalinong pagpili. Dahil ang tiwala ay nabuo sa pamamagitan ng impormasyon, mas maraming manlalaro ang nakakaalam tungkol sa mga online casino, mas magiging komportable at mas ligtas sila.

Matalinong pagpili

Ang Bet Gamer Forum ay napatunayang naging instrumental sa pagdadala ng tiwala, at isang antas ng paglalaro para sa online casino na komunidad ng paglalaro. Sa isang industriya na nananatiling medyo hindi kinokontrol, ipinakita ng Bet Gamer Forum na binibigyang kapangyarihan ng impormasyon ang komunidad ng manlalaro upang makagawa ng matalinong mga desisyon pagdating sa online gaming.

Patas

Ang kahulugan ng Bet Gamer Forum ng pagiging patas: pagtrato sa lahat nang pantay-pantay – walang pagkiling, hindi tapat, o kawalan ng katarungan. Naaayon sa lohika at etika.
Top